Ang Presidential Complaint Center (PCC) ay isang pangunahing opisina sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, na nag-uugnay sa iba’t ibang ahensiya at tanggapan ng pamahalaan at maging mga pribadong tanggapan upang mabigyan ng kaukulang tulong at impormasyon ang taong bayan.
Nais nitong magsilbing daan upang maipaabot ang iba’t ibang serbisyo ng ating pamahalaan sa taong bayan, at upang magkaroon ng tugon o lunas ang paghingi ng tulong ng sinuman.
Hangad ng PCC na makaipon ng datos at kaalaman upang gabayan ang Tanggapan ng Pangulo sa pagbigay ng agarang lunas sa mga higit na pangangailangan ng taong bayan.
Ang mga serbisyo ng PCC ay maaaring makuha. Narito ang mga contac details:
Via email – thru email address: pcc@malacanang.gov.ph
Via postal service – thru PCC official address at Bahay Ugnayan, J.P. Laurel Street Malacañang, Manila
Via facsimile thru Telefax No.:
+63(2)-87368621
Via Telephone:
+63(2)-8736-8645
+63(2)-8736-8603
+63(2)-8736-8629
+63(2)-8736-8621
Paano ka matutulungan ng PCC ?
- Magpadala ng sulat – kahilingan o reklamo sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:
- Isulat ang inyong pangalan, kumpletong tirahan at contact number, kung mayroon man, nang malinaw at madaling basahin.
- Isulat ng malinaw ang lahat ng detalye ng inyong kahilingan o reklamo.
- Ilakip ang kopya ng mahahalagang dokumento na makakatulong sa PCC upang maunawaan ang inyong kahilingan at matukoy kung aling ahensiya ang higit na makapagbibigay-lunas sa inyong suliranin or kahilingan.
- Kayo ay makakatanggap ng kopya ng Action Document ng PCC, para malaman ninyo kung saan kayo maaaring magtungo upang makipag-ugnayan sa pinagpadalhang ahensiya ng inyong kahilingan o suliranin.
Source: PCC