Regine Velasquez may bagong single

Inilabas ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kanyang bagong single na ‘Istorya.’

Ito ay cover song na orihinal na kinanta ng Pinoy pop rock band The Juans noong 2017.

Ayon sa vocalist ng The Juans na si Carl Guevarra, dream come true na kantahin ng isang sikat na singer ang kanilang kanta.

Available na sa Spotify at iTunes ang nasabing version ng kanta ni Regine.