Regine nadismaya sa credit-grabbing issue kay Sarah

Inihayag ng Kapamilya singer na si Regine Velasquez ang pagkabigo sa fans ni Sarah Geronimo sa pag-akusa sa kanya bilang “credit grabber” sa kanilang darating na Valentine concert.

Ipinaliwanag ni Asia’s Songbird kung bakit hindi naisama ng kanyang kapatid na si Cacai si Sarah sa kanyang tweet tungkol sa kanilang concert.

Regine Velasquez & Sarah Geronimo
Regine Velasquez & Sarah Geronimo. (Youtube)

“Gusto ko lang sabihin na sa lahat ng concert na gagawin ito Lang ang may issue. My sister probably didn’t know Sarah has a tweeter account and you guys are making such a big dial about it. Obvious ba na collab ito naka tag viva right?” tweet ni Regine.

Ani pa ni Regine, unang beses niya itong maakusahan ng credit-grabbing sa kanyang buong career.

Nagsimula ang kontrobersya matapos bigong mai-tag si Sarah ni Cacai sa Twitter na siya namang kinadismaya ng Popsters.

Samantala, nag-post si Cacai ng isa pang tweet na humiling sa mga tagahanga ni Regine na itigil ang patuloy na digmaan ng salita sa pagitan ng mga tagahanga.

Nag-tweet muli si Cacai na ihinto na ang pakikipagbangayan ng fans ni Regine sa mga tagahanga ni Sarah.