Regalong bag kay Vicky Belo, kapresyo ng kotse

Vicky BeloBilang Christmas gift, nakatanggap ang famous celebrity dermatologist Vicki Belo ng customized Hermes Kelly galing sa kanyang asawa na si Hayden Kho Jr.

Pinost ni Vicki ang unboxing video niya sa kanyang Instagram account noong Christmas Eve.

Excited si Dr. Belo na mabuksan ang kanyang regalo at hindi na nito hinintay ang kanilang 12 midnight tradition.

Dalawang customized Hermes Kelly bag na mahigit P500,000 pesos each ang regalo ni Hayden kay Vicki.

Tanging nasa VIP list lang ng Hermes ang maaaring makabili at makapag-order ng customized Kelly bag.