Regalo ni kumpare: Jinkee Pacquiao bumawi sa Hermes, LV bike IG post

Ilang araw nang naka-post sa Instagram ni Jinkee Pacquaio ang makatabing branded na bisikleta.

Una niya itong nilagyan ng caption na “ His and Hers”.

Dahil sa nasabing post ay pinuntirya ito ng mga kritiko kabilang ang aktres na si Agot Isidro at tinawag na insensitive ang post.

Niresbakan si Agot at sinabihan itong inggit lang sa kay Jinkee.

Ngayong araw ay may bago sa post na bike ni Jinkee.

Dinagdagan ito ng paliwanag na regalo ang pares ng bisikleta ng kanilang kumpareng Hermie Esguerra.