Red Velvet’s Wendy trending nang mag-comeback

Red Velvet WendyTrending si Wendy ng Red Velvet sa Twitter sa kanyang comeback matapos ang apat na buwang hiatus dahil sa stage accident noong December 2019.

Kinumpirma ng kanyang ageny na na-discharge na ito sa ospital noong Abril, ngunit hindi pa rin aktibo si Wendy sa kanyang social media.

Tuwang tuwa ang ReVeluvs nang ianunisyo ng SM Entertainment na kasama ito sa ‘Star Chatting’ event.

Nakipag-interact si Wendy sa kanyang fans at binalitaan ito sa kanyang recovery.

Ang hashtag na #OurWendyIsHere ay nag-trending habang inaantay nilang mag-text chat si Wendy.

Ikinuwento din nito na nakasama niya ang kanyang pamilya noong birthday niya nitong February.

Binati rin siya ng iba pang miyembro ng Red Velvet at exact midnight. Sa ngayon ay paborito nitong panoorin ay The King at Modern Family sa Netflix.