Nagbigay ng sneak peek ang Red Velvet sa kanilang characters sa upcoming film na ‘Trolls: World Tour’.
Pinost nila ang posters ng kanilang characters na gaganapan sa bagong DreamWorks animated film.
Ang members na si Irene, Seulgi, Wendy, Joy, and Yeri ay gaganap na Baby Bun, Gomdori, Wani, Ari, at Kim-Petit.
Una nang pinakita ang involvement ng grupo sa pagkakasama ng kanilang single na ‘Zimzalabim’ sa trailer ng movie. Ilalabas ang “Trolls: World Tour” sa April 2020.