Nagkaroon ng pajama party sina Red Velvet member Irene, Seulgi at Joy na shinare naman ng huli sa kanyang Instagram account.
Makikita sa post ni Joy na suot nila ang kanilang floral pajama.

Nag-react naman si Yeri, ang huling miyembro Red Velvet, kung bakit hindi siya kasama sa party.
“Why wasn’t I there?” comment pa ni Yeri.
Sey naman ni Joy, nasa shoot umano si Yeri ng panahon na iyon kaya hindi ito nakasama.
Nag-comment naman si Seulgi ng “Three cuties” sa post.
Natuwa naman ang mga netizens sa pagseselos ni Yeri sa kanyang bandmates.