Red Velvet Irene, Seulgi unleash ‘Monster’ MV

Nag-debut na ang first sub-unit ng Red Velvet.

Inilabas na nina Irene at Seulgi ang first mini album ‘Monster’ nitong Lunes at nilabas ang music video ng title track of the same name nitong Martes.

Ang ‘Monster’ ay medium tempo pop dance track with intense keyboard, heavy bass at dubstep sounds.

Pagka-release ng album ay nag top spot agad ito sa iTunes’ album charts in 45 regions sa mundo, kasama ang Pilipinas.

Sa ngayon ay nasa 21 million views na ang music video nito sa YouTube.