Red Velvet ililigtas ang Troll World

Kasama ang Korean girl group Red Velvet sa upcoming “Trolls World Tour” film na ilalabas sa April 17.

Red Velvet

Kinumpirma ng DreamWork Animation na kasama ang grupo sa movie, matapos na kasama ang kanta nilang “Zimzalabim” sa trailer. Sa upcoming movie ng Trolls, madi-discover nila na ang kanilang mundo ay nahahati sa anim na musical trolls.

Ang Red Velvet ay nasa pop subsection na Kpop trolls, kung saan ililigtas nila ang Troll world.

Ilan pa sa mga musicians na kasama ng Red Velvet sa movie ay sina Ozzy Osbourne, Anderson .Paak, Mary J. Blige, Kelly Clarkson, Gwen Stefani at J Balvin.