Recruitment agency ng napatay na OFW sa Kuwait, sinuspendi

Sinuspendi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang recruitment agency ng Pinay domestic worker na si Jeanalym Villavnde matapos mamatay dahil sa kanyang employers sa Kuwait.

Ayon kay POEA Administrator Undersecretary Bernard Olalia, nasuspinde ang ahensya matapos itong mabigo na magbigay ng ulat tungkol sa sitwasyon ni Villavende at ibigay ang kanyang kahilingan na bumalik sa Pilipinas.

Mahigit 10,000 overseas Filipino Workers (OFWs) ang maapektuhan ngayong first quarter ng 2020 dahil sa partial deployment ban sa Kuwait. Hindi kasama sa ban ang professional at skilled workers.

Inaantay naman ng gobyerno ang imbestigasyon ng Kuwait sa pagkamatay ng Villavende.