Real life ‘Darna’ trending sa Twitter

Trending muli ang aktres at philanthropist na si Angel Locsin sa social media matapos ang tweet nito.

Angel Locsin Taal

“Anyone here na may na-conduct na assessment kung anong mga kailangan, anu-anong baranggays at ilang families per baranggay? Thank you,” tweet ni Angel tungkol sa pangangailan ng mga biktima ng pagsabog sa Taal.

Hindi na ito ang unang beses na tumulong si Angel sa mga biktima ng sakuna dahilan upang hirangin siya ng Forbes bilang isa sa Heroes of Philanthropy sa Asya.