RCBC DiskarTech Taglish App

Inilunsad kamakailan ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang pinakaunang all-in-one “Taglish” inclusion super app sa bansa, ang DiskarTech.

Ang app na ito ay naglalayong magbigay ng abot-kayang mga produkto at serbisyong pang-pinansyal sa milyun-milyong Pilipino na walang kakayahang mag-bangko.

“Ginawa naming simple ang DiskarTech para sa mga konsyumer upang mapalago ang paggamit ng app. At dahil ito ay Taglish, madali itong maintindihan at gamitin,” ani Lito Villanueva, RCBC executive vice president and chief innovation and inclusion officer.

Madali at mabilis na makakagawa ng kanilang sariling basic deposit accounts ang Diskartech users sa pamamagitan ng one-time registration gamit ang electronic know-your-customer (eKYC) digital process.

Hindi nangangailangan ng minimum initial amount o maintaining balance ang DiskarTech digital savings account.

Ang DiskarTech ay may 3.25% interest sa savings upang lalong mahikayat ang mga app users na mag-ipon.

May #buhayginhawa goal-oriented digital savings feature din ang app para sa mga nag-iipon para sa kanilang mga simpleng pangarap sa buhay.

Pinapaalala ng #buhayginhawa kung magkano at kailan dapat magdeposito sa savings account upang makamit ang layunin, tulad ng pag-ipon para sa downpayment ng motorsiklo, o pambili ng laptop o mobile phone.

Gamit ang app sa smartphone, maari din mag-cardless ATM withdrawals, deposit at cash out mula sa libo-libong agent partners sa buong bansa, at fund transfers.

Mayroon din itong bills payments para sa major billers at government services, at telemedicine.

Maari din bumili ng airtime load at gaming pins, at gumawa ng quick response (QR) code transfers.

Magkakaroon din ng microinsurance products at skills marketplace kung saan maaaring palaguin ng mga madiskarteng Pinoy ang kani-kanilang mga negosyo.

Kabilang sa mga nagsalita sa ginawang virtual launch ay sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno at Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Nagpahayag din ng suporta sa DiskarTech ang mga katuwang mula sa gobyerno at NGOs, katulad nina Insurance Commissioner Dennis Funa, ang Board Member and former President ng Ka-Entrep Micro and Small Entrepreneurs Organization of the Philippines Joseph Arnold De Guzman, Philippine Association of Stores and Carinderia Owners President Cristina A. Constantino, Liga ng mga Barangay National President Eden Chua-Pineda at ang National President ng League of Cities of the Philippines, Honorable Mayor Evelio “Bing” R. Leonardia.

“DiskarTech is an app that exemplifies innovation and collaboration. Our digital finance ecosystem must be inclusive to ensure that no one is left behind. We must leverage on this momentum to drive technology-driven financial inclusion not only by promoting use of digital financial services but also increasing consumer trust and confidence. And this is what, I believe, DiskarTech, can do,” sabi ni Diokno.

Ang paglunsad ng RCBC ng DiskarTech ay sumusoporta sa misyon ng BSP na mapabuti ang financial inclusion sa bansa.

Sa paggamit ng app, magkakaroon ng libreng access ang mga Pilipino sa iba’t-ibang produkto at serbisyong pang pinansyal, upang sila ay mapabilang sa local banking ecosystem.

“The DTI fully supports DiskarTech as a pioneering app as it is fully aligned with President Rodrigo Duterte’s 10-point socio-economic agenda by helping more than 1.3 million sari-sari stores and market vendors in over 42,000 barangays nationwide. DiskarTech’s complete suite of digital financial services will benefit our micro, small and medium enterprises. DTI will promote DiskarTech through training programs across DTI’s more than 1,000 Negosyo Centers nationwide,” ani Lopez.