Raymond Bagatsing umamin sa tunay na kasarian

Funny ang reaction ni JC de Vera habang sinasagot ni Raymon Bagatsing tungkol sa kanyang tunay na kasarian.

Sa presscon ng Love is Love ng RKB Productions, sinagot ni Raymond ang matagal nang iniisyu sa kanya.

Raymond Bagatsing
Raymond Bagatsing (IG)

Transgender woman ang role ni Raymond sa nasabing palabas.

Tinanong ng isang lady entertainment editor kung straight ba siya or gay na maaaring sagutin ng yes or no pero mas pinili ni Raymond na sagutin ito ng may paliwanag.

“I don’t know. Mahirap magsalita nang tapos, e,” sey ni Raymond habang curious na nakikinig si JC sa kanyang isasagot.

“I just know na hindi ko puwedeng i-limit ang sarili ko. Kasi ang love has no gender, and that’s the message of this film.”

Matagal nang pinagduduhan ang kanyang kasarian at okay lang naman ito kay Raymond.

“Ang mga choices ko will always question a man’s man, but I don’t think I can be questioned because I’m also a man’s man.

Wala namang nagtanong tungkol sa viral video scandal na kanyang kinasangkutan.