Rapper Loonie nakalabas na sa kulungan

Loonie bailNakalaya na si Rapper Loonie matapos magbayad ng P2 milyong piyansa sa Makati nitong Huwebes.

Ayon sa post ni Idyll Li Peroramas, kapatid ni Loonie, pinakita nito ang bail order sa Makati City Regional Trial Court Branch 150.

Nakulong si Loonie matapos masakote sa isang buy-bust operation at nagkumpiskahan ng ‘high grade marijuana’ noong nakaraang taon. Kilala si Loonie bilang host ng Fliptop rap battle at recording artist.