Nakuha na muli ni rapper Loonie ang kanyang social media accounts matapos itong ma-hack ng di pa kilalang cybercriminals.
Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na babae at manager Idyll Liza Peroramas sa kanyang Facebook account, Marso 4.
“Shameless hacking incident solved! We’ve finally retrieved the page — Loonie and his personal account — Marlon Loonie Peroramas.
“Loonie has only one Facebook Page, one Facebook Account, one Twitter account, and one Instagram account,” paglilinaw ng manager ni Loonie.
Ilang fake accounts na nakapangalan kay Loonie ang lumitaw habang ito ay nakakulong.
“Marami na din palang fake accounts ko ang nagsulputan mula nung nawala ako saglit. Ok lang yan basta wag kayong manloloko o manlilinlang ng kapwa n’yo gamit ang pangalan ko. Alam naman ng mga tunay kung nasaan ang tunay,” tweet ni Loonie.