Level-up na talaa ang sikat na TV host at hari ng YouTube na si Raffy Tulfo.
Matapos nitong ianunsyo ang pag-akyat sa 14M ng kanyang mga subscriber ay may bago na naman itong pasabog.
Makikita sa IG ni Raffy ang larawan kung saan ay may hawak itong kahon ng cellphone.
Ang cellphone ayon kay Raffy ay may brand na Tulfone na galing mismo sa kanyang apelyido.
Problema mo,itawag mo! ang caption ni Tulfo sa ipinakilalang brand ng cellphone.
Ang nasabing cellphone ani Raffy ay mabibili lamang sa rtiamerchandise.
Kaya sa mga follower ni Raffy, bili na!