Raffy Tulfo ‘di kinayang isalba si Vice Ganda

Raffy Tulfo Vice GandaHuli na ang naging aksyon ng mga nasa likod ng ‘Gandang Gabi Vice’ ng comedian na si Vice Ganda para isalba ang show.

Ito ang reaksyon ng ilang netizen sa ginawang pag-guest ni Vice sa sikat na TV-radio at sa YouTube na si Raffy Tulfo.

Sa huling episode ng show ni Vice na ii-ere ngayong araw, Pebrero 23 ay si Tulfo ang kanyang guest.

Ang guesting sa GGV ay ibinahagi ni Tulfo sa kanyang IG account.

“Naimbitahan po ako at pumayag akong maging guest dahil matalik na kaibigan po namin ng aking misis si Vice Ganda… Susmaryosep! Parang ayaw ko nang panoorin ‘yun. Ako po ‘yung last guest sa kanilang final episode… Maraming mga bagay-bagay doon na hindi ko nasabi dito at doon ko lang nasabi… Basta, panoorin ninyo… Kasi si Vice, matagal na naming kaibigan ‘yan. More than 10 years na…” ani Tulfo.

Marami naman ang nanghinayang dahil huli na umano ang pag-guest ng GGV kay Tulfo kung saan ay pasibak na ang show na sinasabing napataob ng dalawa ring komedyante sa GMA na sina Boobay at Tekla.