Rachelle Anne nabili ang dream house sa London

Rachelle Ann Go dream houseMagsisimula nang gumawa ng pamilya si Rachelle Anne Go matapos mabili ang kanyang dream house sa London.

Ang four-bedroom house na ito ay magiging tahanan nila ng kanyang asawa na si Martin Spies.

Sey pa ni Rachelle, ang pagpili niya sa kanyang dream house ay parang pagpili sa kanyang mapapangasawa.

Mayroon ding bonus na garden ang kanilang bahay na answered prayer talaga kay Rachelle, na halos isang taon din niyang hinanap.