Panalo ang episode ni Jessica Soho na KMJS nitong Linggo ng gabi kung saan ay tinampok niya ang kontrobersyal na Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.
Napakaganda ng kuwento ng buhay ni Rabiya.
Ibinahagi nya ang kanyang kahirapan hanggang sa maging Miss Universe-PH siya.
Sa husay ng mga sagot niya sa guesting sa KMJS ay pinakita lamang niya na karapat-dapat siya sa titulo.
Napaka natural ni Rabiya.
Walang script kang mababanaag sa kanyang mga kasagutan.
True na lahat ng sagot niya sa mga katanungan ni Jessica Soho ay galing sa kanyang puso kaya tiyak na mas mamahalin siya ng mga Pinoy.
Matapang din ang sagot ni Rabiya sa isyung resiliency ng mga Pinoy at ito ang kanyang tinuran.
“Filipino resiliency is overused. We need tangible solutions.” Sa kasagutang ito ni Rabiya ay lalo niyang pinatunayang mas malayo pa ang kanyang mararating sa buhay.