Rabiya Mateo Miss Universe Philippines

Hindi pa rin nagsi-sink in kay Miss Iloilo Rabiya Mateo na nanalo ito sa kauna-unahang Miss Universe-Philippines.

Sa panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN ay inamin ni Rabiya na hindi siya makapaniwalang tinanghal siyang Miss Universe-Ph.

Aniya naging underdog kasi sya sa simula hanggang sa bago matapos ang kumpetisyon kaya laking gulat niya nang tanghalin siyang winner.

“I started as underdog, no name,” deskripsyon ni Rabiya sa kanyang sarili nang sumabak sa kumpetisyon.

Gayunman ay naniniwala siyang kumbinasyon ng hardwork and destiny kaya niya nasungkit ang panalo.

Inamin din ni Rabiya na ito ang kanyang unang pagsali sa national beauty pageant kaya wala masyadong pressure para manalo siya.