R. Kelly kinasuhan uli

R. Kelly misconductIsa na namang pormal na kaso ang inihain kay singer R. Kelly dahil sa pang-aabuso ng isang bagong accuser noong Biyernes sa Chicago.

Ang nasabing kaso ay walang pinagkaiba sa limang biktima nito na naghain ng kaso.

Saad ng bagong accuser, nakilala niya si Kelly noong 1997 o 1998 sa kanyang edad na 14-15 years old at nagkaroon ng sexual contact at acts bagong siya mag-18.

Nag-tweet naman ang abogado ni Kelly na si Steve Greenberg, at sinabing, ‘We continue to fight for him and look forward to the day he is free,’ na may hashtag #notguilty.

Humaharap ngayon si Kelly sa ilang dosenang counts of cases ng sexual misconduct sa Illinois, Minnesota at New York.

Nakulong ang Grammy Award-winner noong Hulyo at nag-aantay ng kanyang trial sa Chicago federal jail at umaattend naman ng hearing sa New York via video.

Una nang itinanggi ni Kelly ang mga akusasyon ng sexual abuse sa kahit sino.