Queen lead guitarist Brian May inatake sa puso

Inatake sa puso ang lead guitarist ng Queen na si Brian May.

Mismong ang 72-anyos na co-founder ng sikat na banda ang nagpabatid sa kanyang mga followers sa Instagram sa nangyari sa kanya.

Brian May heat attack

Ayon kay Brian, nakaranas siya ng may 40 minutong paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga kaya isinugod siya sa ospital ng kanyang personal doctor at isinailalim sa angiogram.

Sa resulta ng angiogram, nadiskubreng may 3 blocked arteries ang guitarist.

Bago ang heart attack, namilipit sa sakit sa likod si Brian matapos mapunit ang isang muscle sa kanyang puwitan dahil sa sobrang gardening may ilang linggo na ang nakaraan.

“In the middle of the whole saga of the painful backside, I had a small heart attack. I say small, it’s not something that did me any harm,” ayon kay Brian.

“It was about 40 minutes of pain in the chest and tightness. It’s that feeling in the arms and sweating.”

Noong una umano ay pinayuhan siyang sumailalim sa open heart surgery pero nagdesisyon siyang magpalagay na lamang ng tatlong stents sa kanyang baradong arteries.

Ang coronary artery stent ay maliit na metal mesh tube na inilalagay sa baradong arteries.

Ang medical procedure na ito ay hindi itinuturing na major surgery.

“I couldn’t feel they had been in here. I couldn’t feel anything and I still can’t, it’s been amazing.

“It’s an incredible operation done by the right skilful person and I thank them from the bottom of my heart,” ayon pa sa guitarist.

Pinayuhan din nito ang mga taong may edad na 60 pataas na sumailalim sa angiogram para makatiyak.