Quarantine ships sa Maynila, handa na

DOTr quarantine shipsHanda nang tumanggap ng mga umuuwing seafarers at iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dalawang quarantine ships na nakadaong sa Maynila simula ngayong araw, Linggo, 12 April 2020.

Sa pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr) at shipping and logistics company 2GO na nagpahiram ng dalawang passenger vessels, ang mga magbabalik na Pilipino mula sa ibang bansa ay sasailaim sa 14-day quarantine sa nasabing mga barko sa pagsisikap na matulungan ang gobyernong labanan ang pagkalat ng sakit na coronavirus (COVID-19 ) sa bansa.

Utos ng awtoridad sa kalusugan na dapat sumailalim sa 14-day quarantine ang returning OFWs at iba pang repatriates.

Nakadaong ngayon sa Pier 15, South Harbour, Port Area sa Maynila ang quarantine ships.

“We have seen the need to step up and help the health sector attend to the needs of our countrymen. As we are expecting more repatriates to return home, we came up with these quarantine ships to serve as their temporary accommodations while they are on forced 14-day quarantine. Alam naman natin na karamihan sa mga ospital ngayon dito sa Metro Manila ay puno na, kaya’t malaking tulong ito para hindi na makadagdag pa sa sitwasyon,” ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.

Ang isang barko ay tatanggap ng 800 indibidwal, samantala, 300 naman ang isa pang barko, mas kaunti kumpara sa normal capacity ng mga ito dahil isinaalang-alang ang social distancing.

Nilinaw ni DOTr Undersecretary for Administrative Affairs Artemio Tuazon na ang mga barko ay gagamitin para sa mga taong walang nakikitang sintomas ng COVID-19 at mga dapat sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Ang inspeksyon ng parehong barko ay ginawa din ng Department of Health (DOH), sa pangunguna ni Usec. Mario Villaverde, at Bureau of Quarantine (BOQ) Director Roberto Salvador, Jr. upang matiyak na ang mga ito ay sumunod sa pamantayan ng mga standard environment controls, hygiene protocols, at iba pang health requirements.

“Ang silbi ‘ho nitong quarantine ships ay para i-accommodate iyong mga sasailalim sa mandatory 14-day quarantine. Hindi ibig sabihin na may sakit ‘ho sila. Malinaw po na sila lang ‘yung tatanggapin dito. The vessels were also inspected by the DOH and Bureau of Quarantine, and we will make sure that health protocols are strictly implemented,” Usec. Tuazon stressed.

Dagdag pa dito, isang quarantine facility din ang itinayo sa pagtutulungan ng Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG), at Maritime Industry Authority (MARINA) sa Eva Macapagal Terminal sa Port Area ng Maynila.

Itong quarantine terminal naman ay inilaan upang gamutin ang mga taong nagpapakita ng banayad na mga sintomas.

“For the quarantine ships, the PCG has already deployed security personnel to assist in its orderly operation and facilitate the implementation of safety procedures. We will also provide the same assistance once the quarantine terminal will be up and running. Ayon nga ‘ho kay Secretary Tugade, tulung-tulong tayo rito,” ayon kay PCG Commandant Admiral Joel Garcia.

Source: Ma. Alaine P. Allanigue, Philippine Information Agency, April 12, 2020