‘Quaran’ official mascot sa quarantine ng Japan

Halos lahat ng bagay sa Japan ay may mascot.

Isa na rito si ‘Quaran’, ang quarantine mascot.

Quaran Quarantine Mascot

Ayon sa Time In, ginawa ang mascot bago pa tumama ang pandemic coronavirus.

Layunin ni Quaran ay i-promote ang Quarantine Information Office ng Ministry of Health, Labor and Welfare sa Japan.

Makikita na may hawak na shield at nakasuot ng goggles si Quaran.

Ilan sa kanyang gawain ay ang pigilan ang pagpasok ng mga pinagbabawal na bagay sa Japan at proktektahan ang mga Hapon sa ilegal na gawain.

Makikita ang nasabing mascot sa mga airport sa Japan.