PWD hiker inakyat ang Mt. Apo

Hanga ang mga netizen sa dedikasyon ng dalawang PWD or person with disability na makarating sa tuktok ng Mt. Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

Saad ng 17-anyos na si Angelou Revilla, isinilang na walang kanang binti, pangarap niya na maakyat ang Mt. Apo dahil malapit lang sila sa paanan nito nakatira.

Sa tulong ng kanyang mga kaibigan ay narating ni Angelou ang summit ng Mt. Apo noong April 12.

Ito rin ang unang bundok na inakyat ni Angelou.

Sa susunod ay balak niyang sumama ulit sa climb ng kaniyang mga kaibigan.

Samantala, naabot din ng 24-anyos na si Niño Galvez ang tuktok ng Mt. Apo.

Walang dalawang binti at kaliwang braso si Niño.

Dahil sa kagustuhan niyang makaakyat, binuhat siya ng mga kaibigan paakyat ng bundok na kanyang pinagpapasalamat sa hindi pagdalawang-isip na tuparin ang pangarap niya.

Ilang bundok na rin ang kanyang naakyat sa Mindanao.