Pusa nanghihingi ng hotdog, viral

Kinatuwa ng netizens ang pusa na animo’y nanghihingi ng pagkain sa estudyante sa tapat ng convenience store.

Ang litrato ay nire-upload ni Facebook user Ivan Henry Cepeda na agad nag-viral sa social media.

Pusa hotdog

 

Habang kumakain ang estudyante, makikita na nakatingin ang pusa sa kinakain nito.

Nakasampa pa ang pusa sa upuan at lamesa na akala mo ay tao na nakikipag-usap.

Ayon sa caption ni Ivan, mukhang sinasabi ng pusa ay ‘Pre, uubusin mo ‘yang hotdog?’ na nakakuha ng 9,600 reactions na karamihan ay laugh reacs.

Nakahamig din ang nasabing post ng 1,300 comments at 12,000 shares.