Pusa nahawaan ng COVID-19 ng amo

Isang alagang pusa ang nahawaan ng coronavirus ng kanyang amo sa Belgium.

Bihira ang human-to-animal case at pinag-aaralan pa ang panganib nito.

Kahalintulad ito ng kaso sa Hong Kong kung saan dalawang aso ang nagpositibo sa COVID-19 matapos magsagawa ng screening sa 17 aso at walong pusa na alaga ng coronavirus patients.

Nakaranas ang pusa ng transitory respiratory and digestive problems.

Nirerekomenda ang lahat na maging malinis kapag nakikitungo sa mga alagang hayop.