Dalawang alagang pusa ang nagpositibo sa coronavirus sa New York.
Mayroong mild respiratory symptoms ang mga ito at inaasahang makaka-recover.
Ito ang kauna-unahang alagang hayop sa United States na nagpositibo sa COVID-19.
Binigyan-diin naman ng US Center for Disease Control and Prevention na walang ebidensiya na mayroong ugnay sa pagkalat ng virus sa United States.
Wala namang coronavirus ang may-ari ng unang pusa at possible itong na-infect sa labas ng bahay.
Ang may-ari naman ng ikalawang pusa ay nagpositibo sa disease bago pa magkasakit ang alaga.
Wala namang sintomas ang isa pang alagang pusa nito.