Kasama sa listahan ng Most Beautiful Bay in the World ang Pujada Bay na matatagpuan sa Mati, Davao Oriental.
Inanunisyo ito sa 15th World Bays Congress sa Japan. Nagpasa ng application ang Davao Oriental para mapasa sa MBBW noong October 16-20 sa Toyoma City, Japan.
Naaprubahan naman ito ng MBBW at magkakaroon sila ng ground assessment at validation sa Pujada Bay.
Napabilang na rin sa nasabing listahan ang Puerto Galera ng Mindoro noong 2005.
Ilan sa nakasama sa listahan ay ang Halong Bay ng Vietnam, Yeosu Bay ng South Korea, Qingdao Bay ng China at Santander Bay ng Spain.