Ang Indian actress at international beauty icon na si Priyanka Chopra ay kasama sa bagong installment ng ‘The Matrix’.
Nasa final talks na ang megastar para maisama sa 4th Matrix saga na directed by Lana Wachowski.
Makakasama ni Priyanka ang mga bigating actor na sina Keanu Reeves, Carrie-Anne Moss, Jonathan Groff, Jessica Henwick, Yahya Abdul-Mateen II at Neil Patrick Harris.
Nagsimula na ang fight training ng pelikula at magsho-shoot sa Northern California at ilalabas sa May 21, 2021.