Princess of Spain patay sa Coronavirus

Princess Maria Teresa SpainNamatay sa coronavirus si Princesss Maria Teresa ng Spain.

Siya ang kauna-unahang royal family member na namatay sa COVID-19.

Ang 86-anyos na prinsesa ay pinsan ni King Felipe VI ng Spain at inihayag ng kapatid nitong si Prince Sixto Enrique de Borbon sa Facebook ang malungkot na balita.

“On this afternoon… our sister Maria Teresa de Borbon Parma and Borbon Busset, victim of the coronavirus COVID-19, died in Paris at the age of eighty-six,” ayon sa Facebook post ni Prince Sixto.

March 27 umano namatay si Princess Maria Teresa.

Ang pagkamatay ni Princess Maria Teresa ay inihayag ilang araw matapos ang announcement na negatibo sa corona virus si King Felipe VI.

Si Princess Maria Teresa ay nag-aral sa France at naging propesor sa Sorbonne sa Paris gayundin sa Complutense University sa Madrid.

Kilala ang prinsea sa kanyang activist works kaya nabansagan pa siya bilang “Red Princess.”