Tinamaan din ng coronavirus ang Prince of Wales ayon sa Clarence House.
Si Prince Charles, 71 ay nakitaan ng mild symptoms nitong Martes subalit nananatili umanong maayos ang lagay.
Ang 72 anyos na Duchess of Cornwall ay sinuri rin subalit hindi umano ito tinamaan ng virus.
Ayon pa sa Clarence House, si Charles at ang kanyang misis na si Camilla ay sumasailalim na sa self-isolation upang hindi na kumalat pa at makahawa sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
Sa pinakahuling ulat, naitala na sa 427 ang nasawi sa COVID-19 sa UK habang mahigit sa 8,000 ang kumpirmadong tinamaan ng virus.