Prequel ng ‘Twilight’ inilabas after 12 years

Inanunsiyo ni author Stephenie Meyer na magkakaroon na ng prequel ang ‘Twilight’ saga matapos ang mahigit isang dekada.

Midnight Sun

Ang Twilight ay isang vampire romance series nina Edward Cullen at Bella Swan na nagtapos sa fourth installation na ‘Breaking Dawn.’

Ang ‘Midnight Sun’ na prequel ng vampire saga ay ipa-publish sa August 4.

Ang bagong libro ay nakasentro sa buhay ni Edward at ikukuwento sa kanyang point of view, in contrast sa mga naunang libro na si Bella ang nagkukuwento.