Pre-debut shoot ng anak ni Ina Raymundo palung-palo!

Palong-palo sa netizens ang pre-debut shoot ng anak ng aktres na si Ina Raymundo.

Ang mga larawan sa debutanteng anak ni Ina na si Erika Rae ay ibinahagi ng Nice Print Photography & Exige Weddings sa kanilang Facebook page.

Kaya naman agad itong nasilip ng netizens at hindi maiwasang magbigay ng mabubulaklak na komento.

Marami ang humanga sa pre-debut shoot ng bagets ni Ina dahil kakaiba ito sa lahat ng magde-debut na kuntudo palit ng napakaraming gown.

Pero si Erika Rae ay two piece, at one piece ang kasoutan kung saan ay ibinalandra nito ang napakagandang katawan kahit na magde-debut pa lamang.