PPA: Proseso sa Pagpapauwi sa stranded OFWs, gumulong na

OFW repatriationSimula ala-una ng madaling araw kahapon, sinimulan na ng gobyerno ang pagproseso sa pagpapauwi ng mga stranded OFWs sa kani-kanilang probinsya.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, higit dalawang daang bus ang inihanda ng gobyerno sa PITX upang maisakay ang higit dalawang libong OFWs patungo sa kanilang destinasyon.

Simula kaninang umaga, nakapagpauwi na ng mga OFWs mula PITX hanggang Bicol, Isabela, Baguio, Quezon, Cavite, Bataan, Batangas, Laguna, Tuguegarao, Cagayan, at Nueva Ecija.

Tulong-tulong ang OWWA, Department of Transportation, Philippine Ports Authority, LTFRB, Philippine Coast Guard, LTO, at I-ACT upang maasistehan ang mga OFWs mula pagsundo sa mga hotel o facility na kanilang tinutuluyan hanggang sila ay maihatid sa PITX, kung saan sila ay maayos at komportableng nakakapagpahinga habang naghihintay na maisakay sa mga bus patungong probinsya.

Nagbigay din ng pagkain ang OWWA sa mga OFWs upang masigurong hindi sila magugutom habang sila ay nasa terminal.

Ang pagpapauwi ng mga stranded OFWs sa kanilang mga probinsya ay alinsunod sa programang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa  ng pamahalaan.

Inaasahan na higit 17,500 OFWs ang pauuwiin sa kanilang mga probinsya sa loob ng tatlong araw.

#DOTrPH
#WeHealAsOne
#COVIDlangtoPILIPINOtayo
#BAHAYmunaBUHAYmuna