Pops nag-Pasko kasama ang third party ni Martin

Twogether Pops Fernandez & Martin NieveraSa prescon ng Valentine concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera na ‘Twogether Again’, ikinuwento nito ang extraordinary Christmas nila.

First time mag-celebrate ng Pasko ni Pops kasama si Martin at ang kanyang partner na si Katrina Ojeda, na dahilan kaya sila naghiwalay bilang mag-asawa.

Inamin ni Martin na hindi siya komportable na magkasama ang kayang ex-wife at partner, pero masaya ito dahil nagkasama-sama ang kanilang mga anak.

Komportable na umano si Pops at Martin sa isa’t isa at makikita ito sa kanilang Valentine concert sa The Theatre, Solaire sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20, and 21.