Pope Francis tinalaga ang Filipino archbishop bilang Apostolic Nuncio of Spain

Binigyan ni Pope Francis si Archbishop Bernadito Auza na isang Apostolic Nuncio at permanent observer of the Holy See to the United Nation (UN) ng bagong misyon.

Itinalaga si Auza noong Oktubre 1 bilang bagong Apostolic Nuncio ng Spain.

Ang Apostolic Nuncio o Papal Nuncio ay isang diplomat representative of the Holy See sa isang estado o sa international intergovernmental organization.

Noong 2015, si Archbishop Auza ay isa sa miyembro ng organizing committee para sa pagdalaw ng Papa sa US.

Ang bagong misyon ni Auza bilang Apostolic Nuncio of Spain ay magsisimula sa Disyembre.

Nataon naman na ipagdiriwang ang ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa sa susunod na taon, kasabay ng pagtalaga kay Auza sa Spain.