Pope Francis nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng bagyong Ursula

Pope Francis
Pope Francis

Humingi na panalangin si Pope Francis para sa mga tinawag niyang minamahal niyang Filipino na apektado ng bagyong Ursula.

Ang panawagan ay ginawa ng Santo Papa sa St. Peter’s Square noong Disyembre 26, 2019, ilang araw ang nakalipas mula nang ragasain ng bagyong Ursula na ikinamatay ng may 28 katao mulasa mga lugar sa Visayas region.

Apela ni Pope Francis sa wikang Latin, ipanalangin ang mga minamahal niyang Pilipino.

“Dear brothers and sisters, I unite myself to the suffering that has hit the beloved people of the Philippines because of the typhoon,” bahagi ng panawagan ni Pope Francis .

“I pray for the numerous victims, the wounded and for their families. I invite everyone to recite the “Hail Mary” with me for these people whom I love,” dagdag pa niya.

Matatandaang bisperas ng Pasko, Disyembre 24 nang direktang manalasa ang bagyong Ursula sa Leyte, Samar, Biliran, Antique, Aklan, Oriental Mindoro.