Pokwang tinuksong tae ang nagsabing panget, OA siya

Hindi pinalagpas ng TV host-comedian na si Pokwang ang pamimintas sa kanya ng isang netizen sa kanyang throwback photo.

Ipinost ni Pokwang ang photo kasama ang foreigner dyowa na si Lee Obrian sa nakaraang ABS-CBN at Star Magic Ball.

Pero isang netizen ang hindi natuwa sa post ni Pokwang:

analynsumating Ang panget huhu I don’t like this actress, very OA siya.

Ang sagot naman ni Pokwang:

Coming from you ha.. kung panget ako, ano naman tawag sayo teh????

Ano???!!

Tae???

Sinuportahan naman si Pokwang ng kanyang mga follower at kinuyog ang laiterang netizen.