Hindi ikinatuwa ni Pokwang ang pambabatikos sa kanya ng ilang netizens sa pagtulong nito sa mga frontline workers na apektado ng community quarantine.
Nitong nagdaang linggo, ibinahagi ni Pokwang ang kanyang mga relief efforts para sa mga health workers at mga underprivileged na Pinoy.
Makikita sa kanyang Instagram ang pagpi-prepare niya ng sandwich at pagre-repack ng relief goods gaya ng bigas at delata.
Ilang netizens ang nag-comment na pakitang tao lamang ang ginagawa ng komedyana, kaya sinagot niya ito sa kanyang Facebook account.
“READ THIS MGA ANIMAL!!!! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON??? HAA??? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS???? NGAYON PA TALAGA??? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!” ang maanghang na caption niya sa kanyang post.
“Sa mga nakukunsensya sa mga posts ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema niyo na ‘yan! Pumikit na lang kayo at manalangin! ‘Yan na lang sana maitulong niyo sa bayan natin,” dagdag ni Pokwang.
Hindi naman nakalimutan ni Pokwang pasalamatan ang mga subdivision guards at maintenance staff na tumulong sa kanyang relief efforts.