Tunay na nangingibabaw ang talino kumpara sa pisikal na anyo ng isang tao.
Ito ang lumabas sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS)) kung saan ay nanaig ang matatalino sa mga ma-muscle sa mga Pinoy.
Base sa resulta ng poll na nilabas ng Social Weather Stations nasa 81 porsiyento sa 1,200 Pinoy na ininterbyu ay nagsasabing mas gusto nila ang dyowang matalino kaysa maganda o pogi.
Nakasaad din sa survey na nasa 18-percent ang mas pabor sa talino ng isang tao kaysa sa magandang katawan.
“This is similar to December 2002, when 81% said they prefer brains over body and 18% said they prefer body over brains,” ayon sa resulta ng SWS.
Bukod pa rito, nakita sa survey na mas matimbang sa mga babae ang mas matalino kaysa sa matikas.
Mataas ang matatalino sa mga babaeng may ka-live-in partner (89%), sumunod ay mga single (82%) at mga kasal na (81%).
Sa katanungan naman kung ano ang mas matimbang, kalusugan, pera o pag-ibig, nanguna ang kalusugan sa 70-percent, 23-percent ay pag-ibig habang 7 percent ang pabor sa salapi.