POEA: English teachers wanted sa 4 China University

Panibagong oportunidad ang naghihintay sa mga Pinoy titser sa bansa.

Sa ipinalabas na advisory ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) nitong Enero 11, apat na tertiary educational institutions (TEIs) sa China ang nangangailangan ng English teachers.

Kabilang sa mga ito ay ang Northwest A&F University, Yancheng Teachers University, Yiwu Industrial & Commercial College, at Shandong University of Traditional Chinese Medicine.

Sa mga interesadong Pinoy English teachers tumatanggap na ang China ng aplikasyon sa pamamagitan ng kanilang Government Placement Branch.
Bumisita sa http://www.poea.gov.ph/news/2020/PH-TEI%20LIST%20accredited%20by%20PRoC12263.pdf
Ayon pa sa POEA ang mga aplikante ay dapat na may bachelor’s degree in education o English language at dapat ay nagtapos sa Philippine educational institutions na accredited ng Ministry of Education of the People’s Republic of China.

Inaabisuhan din ang mga aplikante na magparehistro online sa www.poea.gov.ph o http://onlineservices.poea.gov.ph/OnlineServices/POEAOnline.aspx.

Obligado rin ang mga aplikante na personal na isumite ang kanilang mga dokumento sa Manpower Registry Division, Ground Floor, Blas F. Ople Building (formerly POEA Building), Ortigas Avenue corner Edsa, Mandaluyong City.

Ang mga sumusunod ang kailangang requirements para magparehistro:

Passport with at least six-month validity upon submission of application, PSA Birth Certificate, 2 pieces of 2×2 recent ID pictures, school credentials, relevant to the position applied for, PRC board certificate, employment certificates, relevant to the position applied for (if required), certificate/diploma of highest educational attainment, transcript of records and printed copy of worker’s information sheet/E-Registration (log-in at http://onlineservices.poea.gov.ph/OnlineServices/POEAOnline.aspx).

Kailangan ding pagsama-samahin ang mga dokumento sa isang folder labeled na may RSF no., applicant’s name, position applied for, country of destination, PEOS online number and E-Registration number.

Orihinall na dokumento ang dapat na ipresenta ng mga aplikante para sa authentication ng written information bago isumite ang kanilang resume sa employer.

Ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa mula sa POEA regional offices ay sa Enero 15.

Sa mga aplikante mula sa Central Office, POEA – Ortigas, Mandaluyong City at sa Enero 20 ang deadline.