Inihayag ni Philippine Ambassador to Spain Phillippe Lhuillier ang nakatakdang launching ng mobile application na magsisilbing ‘pocket embassy’ sa mga Filipino na naninirahan at bumibisita sa Spain.
Ang ‘pocket embassy’ ay ilulunsad bago matapos ang taon ayon sa embassy official
“This is like a pocket embassy.
Narito ‘yung importante… nandito lahat, all the rules, assistance to nationals, ATM, ano dapat mong gagawin, anong kailangan mo, find it right here,” paliwanag ni Lhuillier sa panayam ng GMA-7.
Kabilang sa mga features ng application ay consular services, pagsusumite ng mga dokumento, contact at emergency information ng Philippine embassy at Spanish government.
May OFW corner din kung saan ang mga Pinoy ay maaring direktang makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).