PNP papapel sa tatanggi sa nCoV quarantine

Nagpasaklolo na ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) para maagapan ang pagkalat ng nakamamatay an novel coronavirus.

Ang apela ay ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III matapos na tumangging magpa-quarantine ang sampung katao na iniimbestigahan sa nCoV.

PNP nCov quarantine

“I urge everyone to please cooperate. Makisama naman kayo… para talagang ating mapigilan ang pagkalat nito,” panawagan ni Duque.

Dahil sa kawalan ng kooperasyon sa sampung iniimbestigahan sa nCov ay napilitan ang DOH na magpasaklolo sa PNP.

Ayon kay Duque kailangan na ng DOH ang responde ng PNP para mapilit ang sampung katao na pumasok ng ospital.

Sa pinakahuling balita nitong Pebrero 6 ay pumalo na sa 178 ang mga iniimbestigahan dahil sa nCoV sa Pilipinas.