Iniutos ni acting Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa ang pag-aresto sa mga gagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Nilinaw ni Gamboa na bagamat may pag-arestong magaganap ay wala namang ikukulong.
Pag-aresto, pagkumpiska sa vape at pag-blotter sa pangyayari sa pinakamalapit na presinto lamang ang gagawin sa maaresto.
Ang ganitong proseso ay ipatutupad ayon kay Gamboa hangga’t hindi pa inilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order sa ipinatupad na vape ban.