“Planner ng mga walang plano” kundi mag-inom, available na

Ang lakas ng tama ng San Miguel’s Red Horse na maglabas ng “Planner ng mga walang plano”.

Sinabayan ng San Miguel ang ilang coffee chains sa bansa na naglalabas ng annual planner.

Ang “Planner ng mga walang plano” ay simple ang cover na may logo ng “Red Horse” sa gitna at kulay dark brown katulad ng bote nito.

Ang naglalaman naman ito ng “Pwedeng uminom pass” na isa sa cool feature ng planner.

Ang madalas na paraan para magkaroon ng planner sa mga coffee chain ay pangongolekta ng stickers na makukuha tuwing bibili ng kanilang kape.

Para magkaroon ng “Planner ng mga walang plano”, kailangan mag-subscribe sa kanilang YouTube channel at abangan ang kanilang video announcement para dito.