Nag-celebrate ang aktor na si Piolo Pascual ng kanyang 43th birthday nitong Linggo, January 12.
Pinost ni Piolo ang kanyang birthday photo sa isang yate sa Mabini, Batangas kung saan makikita ang makapal na abo galing sa kalapit na Taal volcano na sumabog.
“My birthday wish right now is for everyone to be safe,” caption ni Piolo sa kanyang post na may prayer emoji.
Nag-post din si Piolo ng kanyang birthday vlog sa kanyang YouTube channel.
Dineklera na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang Alert 4 sa Taal Volcano at inaasahang tataas ito sa susunod na mga araw.