Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Jake Estrada

Ibinida ng negosyante at dating congressman Albee Benitez ang mga colleague nya sa showbiz.

Si Benitez ay isa sa ngayong blocktimer sa TV 5.

Kasama ni Benitez sa larawang ipinost nya sa kanyang Instagram ay ang mga sikat na celebrity ng ABS-CBN.

Maliban sa pagiging mga sikat na talent ng Dos ay napabalita ring nag-ober da bakod na sa TV5 sina Maja Salvador at Piolo Pascual.

Pero pasabog sa nasabing post ni Benitez ay si Catriona Gray at anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Jake Estrada.

Ibig kayang sabihin ng post ni Benitez ay magkakasama sa project sa TV5 ang nasabing mga sikat na celebrities?

Tiyak na aabangan ang mga Kapamilya talent na ito sa TV 5 dahil walang choice ang kanilang mga fans kundi lumipat ng istasyon para mapanood ang kanilang mga idolo.