Nagpasalamat si John Steven Soriano, o mas kilala bilang ‘Nurse Even’ sa social media, na napigilan ng bakunang AstraZeneca ang matinding impeksyon kahit unang dose pa lang ang naturok sa kanya.
Ang British nurse na nakabase sa United Kingdom na si John Steven Soriano ay nagkasakit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) walong araw matapos makuha ang unang dose ng bakuna na binuo ng AstraZeneca plc at ng University of Oxford noong Enero 14.
https://www.facebook.com/nurseeven/videos/458210425196753/
Ang 29-taong-gulang na nars ng Sunderland Royal Hospital ay binigyang-diin na ang bakuna ay hindi naging sanhi upang mag-positibo siya para sa virus.
Nakuha niya ang impeksyon pagkatapos ng outbreak sa ward kung saan siya nagtatrabaho.
“I’m still grateful po kasi imagine, kung hindi ko nakuha ‘yung first shot ko tapos nakuha ko ‘yung virus, baka malala po ‘yung mga symptoms na na-experience ko,” sey ni Nurse Even.
“So I know, I really know that the first dose of the COVID-19 vaccine helped me to fight the symptoms I experienced when I got the virus.”
Kahit nagkaroon ng COVID-19 ay nagawa pa rin niyang mag-vlog habang naka-two week quarantine.
“Kailangan ko ring gumalaw para ma-regain ‘yung energy ko. I-update ko po kayo sa progress ko ‘no, sa proseso ng katawan ko, ng status ko para hindi naman kayo worried (I need to move somehow to regain my energy. I will update you on my progress, on my body’s processes, on my status so you are not worried).”
February 18 nang mag-negatibo siya sa virus matapos ang mahigit dalawang linggong isolation sa bahay.
Sa ngayon ay waiting na lang si Soriano na matanggap ang second dose ng AstraZeneca vaccine.